Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Lisa M. Samra

Muling Nadiskubre

Noong 1970, nalaman ng isang car executive na bumibisita sa Denmark na isang lokal na residente ang nagmamay-ari ng isang 1939 Buick Dual Cowl Phaeton. Dahil hindi naman talaga nagkaroon ng maramihang produksyon iyon, mahirap iyong hanapin. Binili ng executive ang kotse at naglaan siya ng oras at pera para ayusin iyon. Sa ngayon, ang kakaibang kotseng ito ay tampok sa isang…

Durog at Maganda

Sa unang tingin, inisip kong ang ipininta ni Makoto Fujimura na Consider the Lilies ay simple lang. Pero nabuhay ang larawan nang malaman kong ipininta iyon gamit ang 80 na patong ng dinurog na mineral sa isang istilo ng sining na tinatawag na Nihonga, o “mabagal na sining.”

Habang tinitingnan, mas nakikita ang patung-patong na pagkakumplikado at kagandahan niyon. Ipinaliwanag ni…

Kung Walang Pag-ibig

Pagkatapos ilabas ang mga bahagi ng inorder kong mesa mula sa kahon nito, napansin kong may mali. Nawawala ang isa sa mga paa ng mesa. Dahil kulang ng paa, hindi ko na iyon mabubuo at wala na itong silbi.

Hindi lang sa mesa nangyayari na nagiging walang silbi ang isang bagay kapag kulang ng isang importanteng parte. Sa aklat ng 1…

Walang Higit Na Pag-ibig

Sa pag-alala ng ika-76 na anibersaryo ng D-Day noong 2019, pinarangalan ang higit sa 156,000 na sundalong nakibahagi sa pagpapalaya ng Kanlurang Europa. Sa kanyang panalangin na ipinahayag sa radyo noong Hunyo 6, 1944, humingi si Pangulong Roosevelt ng proteksyon ng Dios, “Nakikipaglaban sila para matigil na ang pananakop. Nakikipaglaban sila para sa kalayaan.”

Ang kusang paglalagay ng sarili sa peligro…

Pagkain Mula Sa Langit

Agosto 2020, nagulat ang mga taga Olten, Switzerland nang umulan ng tsokolate! Nasira ang makina para sa pagpapaikot ng hangin ng pagawaan ng tsokolate kaya napasama sa hanging palabas ng pagawaan ang malilit na parte ng tsokolate. Dahil diyan, nag-alikabok ng tsokolate sa mga kotse at daanan at nangamoy na parang tindahan ng tsokolate ang buong bayan.

Kapag naiisip ko…